90s Love Teams Today

90s Love Teams Today

February 12, 2018 | Throwback

Whether you agree with us or not, sa love man o sa life, may mga bagay na hindi na kayang maibalik at hindi na pwedeng balikan. Past na e. Pero since malikot ang imagination natin at mahilig tayong mag come up ng maraming scenarios sa utak, naisip namin kung magwo-work out pa rin kaya ang mga love teams noon kung gagawin ngayon? Well, we can only come up with kathang-isip theories, so here it goes.

90s love team today

Angelu De Leon & Bobby Andrews
Love Team Name: #BobLu

Sa love team name pa lang mukhang medyo 50-50 na ang chances na maging hit sila. Aside from hindi masyadong maganda pakinggan ang name, medyo pilit. Though, originally, nagsimula ang love team nila by accident, so who knows ‘di ba?

90s love team today

Judy Ann Santos & Wowie De Guzman
Love Team Name: #JuWie

Mukhang meant to be talaga ang love team na ‘to. Nagku-complement e. Kumbaga sa spoon and fork, partners in dine. So, we think it’s best to say na magwo-work out talaga sila kahit ano’ng mangyari.

90s love team today

Jolina Magdangal & Marvin Agustin
Love Team Name: #JoMar

Sa panahong maraming bagay na ang tino-throwback gaya ng jolen, hindi pa rin madi-deny na bagay pa rin ang tandem nila like riding in tandem. Pero para sweet, tandem bicycle na lang.

90s love team today

Claudine Baretto & Rico Yan
Love Team Name: #RiClau

Got to believe in magic? Not unless ikaw si David Blaine or Jeffery Tam, walang magic ang makakapag work out sa isang love team. Nasa chemistry kasi ‘yan. At sa tingin namin, keri naman ng #RiClau ‘yan.

90s love team today

Kristine Hermosa & Jericho Rosales
Love Team Name: #TinCho

Though it sounds like a topical OTC brand that relieves pain and itch, may mga bagay talaga na pinangako para sa isa’t-isa. Or biased lang kami dahil kay Kuya. Hihi. But in all fairness, we believe that this is the greatest love team of all time.

‘Ika nga nila, all is fair in love and war. And at the end of the day, we can always remember the past. But we should focus on what we have now para oks manoks ang future. Love, love, love!