Bakit Kaya Di Mahuli-huli si Santa?

Bakit Kaya Di Mahuli-huli si Santa?

November 20, 2017 | Christmas

It’s an hour before the clock strikes 12. You patiently sit under the Christmas tree in your pantulog, trying to pass the time by reading a book. “Konti pa,” you say even if your eyes are already heavy with sleep. You hear your mother shout from the room upstairs, “matulog ka na!” but you ignore it because you have a mission. You have to see Santa. He has given you gifts every year since you were old enough to enjoy receiving one. You want to thank him for his generosity. So you ignore the call and convince yourself to wait it out. “Di pa ko inaantok!” you proudly reply to your mother.

The next thing you know, the sun has risen up and your mother is already serving breakfast. You hurry to check your medyas and there it is – a gift. You’re happy with your new toy truck but you’re pissed at yourself because you failed at catching Santa again.

We’ve all been through the frustration of not being able to see Santa. Badtrip diba? Ang laking mama, nakapula, pero di makita-kita? Panno nangyari yun? Bakit walang mga batang nakakabisto sa kanya? Here we offer some reasons why:

1) Tinutulungan siya ng mga Elves.

Tingin mo ba mag-isa lang si Santa na nag-iikot sa pamimigay nang gifts? Of course not! He has elves to help him do that. Para saan pa’t pinapasweldo niya ang mga yun diba? Sakto pa kasi the elves are small kaya pwedeng sumingit-singit sa mga makikitid na daanan. Isa pa, more than a million kids are waiting for him. He has no time para isa-isahin ang mga house niyo.

2) Ninja si Santa

Ninjas are known for their stealth, speed, and incredible athletic abilities. They can leap farther than the average person, and their footsteps are as quiet as a cat’s. Ngayon, imagine-in mo: si Santa Claus ipapark niya yung sled niya sa itaas nang bahay niyo. Tapos lulundag siya pababa sa ganung kataas na height. Partida mataba pa siya. Eh di dapat parang kalabog yun. Maglalakad pa siya sa bubong niyong gawa sa yero. Pero you don’t hear a sound, right? Maaring nagtraining si Santa Claus sa mga ninjas in Japan a long time ago para mas maimprove ang akyat-bahay skills niya.

3) Nagiging Invisible si Santa

Santa’s red suit is not just a costume. It has magical properties that make him invisible to people. Kaya yung malamig na hanging naramdaman mo habang naghihintay? Di mo alam si Santa na pala yun.

4) May telekinesis si Santa

Yes, sagarin na natin. Tutal nauubusan na rin ako ng reasons. May mind control din si Santa. Mala-Professor Charles Xavier niya na napapagalaw ang mga bagay in any way he wants. Imagine Santa putting two fingers at his temples and as he does so, the doors & windows of your house opens on its own and then you and your sibling’s gifts fly in through the open front door. Astig diba?

5) Si Nanay at Tatay si Santa

Magpakatotoo na lang tayo. Si Nanay at Tatay lang naman talaga ang nagiiwan nang regalo para sa ‘tin tuwing Pasko. Sila ang tunay na Santa Claus nang mga buhay natin. And they are infinitely better than Santa because they not only give us the most wonderful toys and clothes for Christmas, they also shower us every day with the most valuable gift of all – love. Naks. Kaya don’t forget to return the love and care they’ve shown you through the years. Treat mo na sila nang Kuya J Halo Halo!