Monito-monitime

Monito-monitime

November 20, 2017 | Kuya Tips

Naisip mo na ba kung anong ireregalo mo sa Monita mo? Kung hindi pa, tara, tulungan ka namin!

Praning nanaman ang mga students/employees sa kakaisip ng ireregalo sa monito/monita nila. Some even bribed their classmates/office mates one by one to exchange cards para lang may excuse silang regaluhan ang crush nila. Or talagang ayaw lang nila dun sa nabunot nila.

So, ayun. Ano bang category niyo? Something funny? Something sweet? Something long? Short? Something soft? The category and your monito/monita are the first things to consider when shopping for your Christmas exchange gift.

Let’s say the week’s theme is “something round and useful” and your monito is the class nerd. Maybe you can give him a basketball para naman gumalaw galaw siya. Let’s say your monita is a late-comer and you’re tasked to buy something useful. Give her an unsnoozeable alarm clock! Ingat lang kasi baka sumama ang gising niyan bukas at abangan ka sa classroom.

After the stressful gift-hunting is the excitement. “Ano kaya’ng matatanggap ko?”, “Sino kaya naka-bunot sa’kin?” pero kung employee ka, hindi ka na ma-eexcite kasi alam mo namang dalawa lang ang mangyayari. It’s either: (a) food ang matatanggap mo, (b) the usual handkerchief set + pabango, or (c) pag-titripan ka ng nakabunot sayo by giving you something embarrassing to carry in public.

Ay wait! Bago ka magprepare ng porma mo for tomorrow’s Christmas party, ide-defend mo pa ‘yang gift mo sa harap ng classroom. Prepare an essay and explain the significance of that gift to your monita in 500 words.

There, I hope your monito/monita likes your gift! If you have cool and funny Christmas gift ideas, share it with us at facebook.com/KuyaJResto.

***