Six Word Stories Scarier than Halloween

Six Word Stories Scarier than Halloween

January 10, 2019 | Story

What’s scarier than a Halloween ghost story? Walang toilet paper pero nakaraos na. Agree? We thought so. Nothing’s more petrifying than true stories that got way out of hand. So as usual, nangolekta kami ng mga pasma stories at lumikha ng fictional accounts na mas nakakatakot pa kaysa Halloween. But to make things hipster, ginawa naming 6 words lang.

  1. Galit na papa mo. Uwi na.

    It’s one thing when your mama gets mad. But it’s another when your papa gets angry. Kaya wala kang no choice kundi umuwi mula sa kinatatayuan mo.

  2. Umuwing lasing. Gumising sa ibang bahay.

    Para ‘to sa mga marunong uminom pero ‘di marunong umuwi. We’ve all learned our lesson.

  3. Parating na konduktor. Wala kang pera.

    Hindi mo naman sinasadyang maiwan ang wallet mo. Kaso waley e. So time to level up your people skills.

  4. Oral recitation day. Surname mo, “Abarquez”.

    Wala kang takas. Una ka sa alphabetical order kahit anong mangyari. Pero uno ka naman sa grade kung nag-review ka. Naks.

  5. May bonus ka. Pero siningil ka.

    Ito ang perfect example ng pera na naging bato pa. Let’s just look on the bright side na wala ka ng utang.

  6. The country’s 17th president, Mocha Uson.

    *Knock on wood to infinity*

May tinatago ka rin bang scary six word stories? I-share mo naman samin sa facebook.com/KuyaJResto.