What if Cupid was Blind?
January 30, 2018 | Valentines
Sabi nila love is blind, which means we do not see the faults or imperfections of the person we love. Love mo e. But what if love is literally blind, like si Cupid ay bulag? We listed a few things that may or may not happen kung mapapa-join siya sa three blind mice.

Hindi uso ang love at first sight.
Wala sa vocabulary ni Cupid ‘yan kahit yung pinauso ni JLC na second sight. Obvious naman siguro kung bakit, no?

Hindi ka lang mai-in love kung kani-kanino, sa kung anu-ano rin.
Dahil nga walang aim si Cupid, you will fall aimlessly in love to anyone or anything. Just like how you are in love with your gadgets and other anik-aniks. Bato-bato sa langit.

Mr./Ms. Right might go so wrong.
Ayun na nga. Walang mangyayaring icing-sa-ibabaw-ng-cupcake-mo kasi baka sa ensaymada mapunta. Or worse, hindi sa food mailagay. Pero you’ll never know. May kasabihan naman na opposites attract.

Pwedeng mas meant ang meant to be.
Hindi man nakikita ni Cupid ang mga para sa isa’t-isa, malakas naman ang pakiramdam niya. So based on feelings ang love teams and couples hindi looks. Feel mo?

Hindi makikita ni Cupid ang mga love stories na pinanaan niya.
Ito ata yung mas masakit pa sa heartbreak e. Pero ang mas importante naman ay masaya ang lovers all over the world. And let’s look on the bright side (no offense kay Cupid), hindi rin naman niya makikita yung mga hindi nag workout, so kwits lang.

There you have it. Tingin mo, possible ngang mangyari ang mga ‘to? Let’s not hope so. But alam mo naman, love moves in mysterious ways.